Lunes, Oktubre 19, 2009

Ako si Felipe Cruz

Magandang araw! Ako po si Felipe Cruz. Isang manunulat at debuhista sa hilig at pangarap. Ang aking pong pagsisikap ay nais kong iaalay una sa ating Makapangyarihang Dios na Siyang aking gabay, at sa ating Inang Bayan na ating pinakamamahal.

Ngayon po ay ginugugol ko ang aking oras sa paghasa sa bigay na talento sa inyong lingkod. Hindi ko po propesyong pinagkakakitaan sa ngayon ang libangang ito ngunit ito po ay akin ring minimithi.

Asahan nyo po ang lingguhang pagtala ng mga bagay bagay sa Talaang ito at sana ay patuloy ang inyong pagsubaybay. Kasama po ang aking mga kasamahan at kaibigan, nais ko po kayong pasalamatan at gayun ay anyayahan na rin sa kasiglahan at kaunlaran nating lahat.

Salamat po.